Sabado, Agosto 16, 2014

Timog Silangang Asya

Ang Timog Silangang Asya ay isang subrehiyon ng kontinenteng Asya, na binubuo ng mga bansang nasa katimugang Tsina, silangan ng Indiya at hilaga ng Australya.
Ang Timog Silangang Asya ay binubuo ng dalawang rehiyong heograpikal: Ang kalupaang Asyano, at ang mga arkong pulo at mga kapuluan sa silangan at timog silangan. Ang mga bansang nasa kalupaang Asyano ay kinabibilangan ng Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand, at ang Vietnam; ang populasyon ay pangunahing binubuo ng mga Tibeto-Burmano, mga Tai, at mgaAustroasiatiko; ang pinakamalaking relihiyon ay Budhismo, na sinundan ng Islam, atKristiyanismo. Ang mga bansang nasa karagatan ay binubuo ng Brunei, Silangang Timor,,Indonesia, Malaysia, Pilipinas, at ang Singapore. Ang ibang paglalarawan sa rehiyon ay sinasama ang Taiwan sa hilaga. Ang mga Austronesiano ang dominante sa rehiyon; ang pangunahing relihiyon ay Islam, na sinundan ng Kristiyanismo.

Brunei-Ang Brunei Darusalam, opisyal na taguri ay Bansa ng Brunei, Tahanan ng Kapayapa, ay isangbansa na matatagpuan sa hilagang bahagi ng pulo ng Borneo, sa Timog Silangang Asya. Ito ay napapaligiran halos ng Estado ng Sarawak, na bahagi ng Malaysia, maliban na lamang sa hilagang baybayin nito kung saan naghahanggan sa Dagat Timog Tsina. Ang bansa ay magkahiwalay sa dalawa na hinati ng Limbang, na bahagi pa rin ng Sarawak.Ang Brunei. ay natitirang pinakamakapangyarihang Kasultanan, ay nakatamtan ang kasarinlan mula sa Nagkakaisang Kaharian noong 1 Enero 1984.

Cambodia-Ang Kaharian ng ay isang bansa sa Timog-Silangang Asya na may papulasyon ng mahigit kumulang sa 15 milyon katao at Phnom Penh ang kabisera nito. Ang Cambodia ay kahalili na estado ng noon ay isang makapangyarihang kaharian ng Hindu at Buddhist Khmer na namuno sa halos kabuohan ng tangos ng Indochina mula ika-11 at ika-14 na siglo.Kadalasang tinatawag na "Cambodian" o "Khmer" ang mamamayan ng Cambodia na tumutukoy sa sinaunang grupo ng mga Khmer. Theravada Buddhist na may impluwensiya ng Khmer ang karamihan sa mga Cambodians ngunit ang bansang ito ay mayroon ding mangilan-ngilang mga Muslim, Kristyano at mga tribo naman sa bulubunduking kagubatan sa hilagang bahagi ng bansa.Ang bansa ay pinapagitnaan ng Thailand sa Kanluran at Hilagang-Kanluran, Laos sa Hilagang-Silangan, at ng Vietnam sa Silangan at Timog-Silangan. Nakaharap sa Gulpo ng Thailand ang Timog bahagi nito. Dinodomina ng Ilog ng Mekong  at ang Tonlé Sapang geograpiya ng Cambodia. Ang Tonlé Sap ang isa sa pangunahing pinagmumulan ng kalakal ng isda. Ang pagiging mababa sa heograpiya ay nangangahulugan na malaking bahagi ng bansa ay nakaupo malapit sa "below sea level", at ang pangunahing pinanggagalingan ng tubig mula sa ilog ng Mekong ay dumadaloy pabalik sa katabing Ilog ng Sap tuwing tag-ulan.

East Timor-Ang East Timor, o Timor-Leste, ay isang maliit na bansa sa silangang bahagi ng isla ng Timor. Ang salitang Malay na pinagkunan ng salitang “Timor” at ang salitang Portuges naLeste ay parehong nangangahulugang “silangan.” East Timor ang karaniwang tawag ng mga nagsasalita ng Ingles sa bansang ito. Angkop ang pangalang ito sapagkat ang isla ay nasa silanganing hangganan ng arkipelago ng Indonesia.Mga 14,800 kilometro kuwadrado ang lawak ng East Timor, kaya mas malaki ito nang kaunti sa estado ng Connecticut, E.U.A., o wala pa sa kalahati ng Netherlands. Bagaman maliit lamang ang islang ito, ang katangian ng likas na kapaligiran nito ay kombinasyon niyaong sa Asia at Australia. Ang isla ay may makapal na tropikal na kagubatan at tigang na mga damuhan at taniman ng eukalipto. Ang buhay-iláng ay kombinasyon din ng mga uri na makikita sa Australia at Asia. Halimbawa, makikita mo roon ang mga marsupial at mga ibon ng Australia at ang mga unggoy at tropikal na mga saltwater crocodile ng Asia.

Indonesia-Ang kapuluan ng Indonesia ay naging isang mahalagang rehiyong pangkalakalan simula pa noong ika-7 siglo, kung kailan ang Srivijaya at paglaon Majapahit ay nangangalakal sa Tsinaat Indiya. Ang mga katutubong mga pinuno ay lumaong niyakap ang kulturang Indiyano, relihiyon at modelong pampolitika mula sa mga sinaunang siglo, at lumaganap angHinduismo at Budismo sa kapuluan. Naimpluwensiyahan rin ang kasaysayan ng Indonesia ng mga makapangyarihang banyaga dahil sa likas yaman nito. Dinala ng mga mangangalakal na Muslim ang Islam, na ngayon ay naging dominante sa kapuluan, habang ang mga makapangyarihang Europeo ang nagdala ng Kristiyanismo at nakipaglaban para monopolisahan ang kalakalan sa Kapuluang Maluku (Moluccas) noong Panahon ng Pagtuklas. Ito ay sinundan ng tatlo't kalahating siglo ng kolonyalismo sa ilalim ng mgaOlandes. Natamasa ng Indonesia ang kanilang kasarinlan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang kasaysayan ng Indonesia noon pa man ay magulo, at sinubok ng maraming kalamidad, suliranin, banta ng separatismo, at ng panahon ng mabilisang pagbabago at paglago ng ekonomiya., ay isang bansa sa Timog-silangang Asya. Ito ay binubuo ng 17,508 mga pulo, at ito ang pinakamalaking estado sa buong daigdig na binubuo ng isang kapuluan. Tinatantiya na nasa 238 milyong katao ang populasyon ng Indonesia, na pang-apat sa mgapinakamataong bansa sa mundo, at ang pinakamataong bansang Muslim; subalit walang opisyal na pananampalataya ang itinakda sa Saligang Batas ng Indonesia. Isang republikaang Indonesia, na may inihahalal na tagapagbatas (lehislatura) at pangulo. Ang kabisera ng bansa ay Jakarta. Pinapaligiran ang Indonesia ng Papua Bagong Ginea, Silangang Timor atMalasya, at kinabibilangan rin ang Singgapur, Pilipinas, Australya, at ang Kapuluang Andaman at Nicobar ng Indiya bilang mga kalapit na bansa at teritoryo.

Laos-Ang Laos , opisyal na tinatawag na Lao People's Democratic Republic o Demokratikong Repuklika ng mga Lao, ay isang walang daga na bansa sa Timog silangang Asya, na naghahanggan sa Burma at Tsina sa hilagang kanluran, saVietnam sa silangan, sa Cambodia sa timog. at sa Thailand sa kanluran. Ang kasaysayan ng Laos ay nagmula sa Kaharian ng Lan Xang o "Lupain ng Milyong mga Elepante", na nabuo noong ikalabing apat na dantaon hanggang ikalabingwalong siglo.Pagkatapos ng panahong ng pagiging protectorate o kolonya ng Pransiya, nakamtan nito ang kalayaan noong 1949. Isang mahabang digmaang sibil ang nagwakas nang ang makuha ng Kilusang Komunistang Pathet Lao ang kapangyarihan noong 1975, subalit ang protesta sa pagitan ng dalawang magkatunggaling paksiyon ay nagpatuloy parin sa mga sumunod na taon.

Malaysia-Ang Unyon ng Malasya  ay isang bansang binubuo ng labing tatlong mga estado at tatlong teritoryong pederal sa Timog Silangang Asya na may kabuuang sukat ng lupa na 329847 km2. Kuala Lumpur ang kabiserang lungsod nito, samantalang ang Putrajaya naman ang sentro ng pamahalaang pederal. Ang bansa ay may populasyong umaabot sa mahigit 25 milyon. Ang bansa ay hinati ng Dagat Timog Tsina sa dalawang magkahiwalay na rehiyon.—ang Tangway ng Malaysia at ang Silangang Malaysia.Naghahanggan ang Malaysia sa mga bansang Thailand, Indonesia, Singapore. Brunei at saPilipinas. Ang bansa ay matatatagpuan malapit sa ekwador at nakakatamasa ng klimangtropikal. Ang pinuno ng estado ay ang Yang di-Pertuan Agong (na kadalasang tinutukoy bilang 'ang Hari' o 'ang Agong') at ang pamahalaan ay pinamumunuan ng isang punong ministro.Ang pamahalaan ay kahalintulad ng bahagya o ibinatay sa sistemang parliyamentaryo ngWestminster.

Myanmar-Ang Burma ay naging tirahan ng iba’t – ibang lahi.Ang kapatagan ng ilog ng Irrawaddy at Salween ay panirahan ng mga dayuhang nagmula sa Tibet, Tsina, at India. Ang naghalong lahi ng mga pangkat na ito ang naging ninuno ng mg kasalukuyang Burmese. Pinaniniwalaang ang kahariang Pagan ang naglatag ng pundasyon ng kahariang Burma.Si Anawratha ang kinikilalang unang hari ng kahariang Burma.Naging malugod ang pagtanggap ni Anawratha sa relihiyong Buddhism. Kaya’t lumganap ang sining at panitikang Buddhist sa lipunang Burmese.Nang namatay si Anawratha, ang mga sumunod na hari ng Burma ay sadyang naging mahina. Sa loob ng dalawang siglo ang imperyo ay naging pugad ng nag – aaway na kaharian. Si Buyin Naung ang muling nakapagbalik ng pagkakaisa sa imperyo at itinatag niya ang kabisera ng Burma sa Pegu hanggang sa kanyang kamatayan noong 1581.

Philipines-Ang Wikang Tagalog, na kilalala rin sa payak na pangalang Tagalog, ay isa sa mga pangunahing wika ng Republika ng Pilipinas at sinasabing ito ang de facto ("sa katunayan") ngunit hindi de jure ("sa batas") na batayan na siyang pambansang wikang Filipino(mula 1961 hanggang 1987: Pilipino). Ito ang katutubong wika ng mga lalawigan sa Rehiyon IV(CALABARZON at MIMAROPA), ng Bulakan, at ng Kalakhang Maynila. Sinasalita rin ito sa Hilagang Kapuluang Mariana, kung saan ang mga Pilipino ang pinakamalaking pangkat etnolingwistiko. Bilang isang pangunahing wika sa Pilipinas, ang karaniwan at pamantayang anyo nito ang pangunahing wika sa pambansang telebisyon at radyo, bagaman halos nasa Ingles ang buong kayarian ng mga pahayagan. Bilang Filipino, kasama ng Ingles, isa ang Tagalog sa kasamang-opisyal at tanging pambansang wika sa Pilipinas. Malawak na ginagamit ang Tagalog bilang lingua franca o "tunay na wika" sa buong bansa, at sa mga pamayanang Pilipino nasa labas ng Pilipinas. Subalit, habang kalat ang Tagalog sa maraming mga larangan, higit na laganap ang Ingles, sa iba't ibang antas ng katatasan, sa mga larangan ng pamahalaan at kalakalan. Tinatawag namananagalog o mananalita ang isang may mataas, may kahusayan, at kaalaman sa pananagalog.Kaugnay ng ibang mga wika sa Pilipinas ang Wikang Tagalog, gaya ng mga wika sa Bikol, Ilokano, mga wika sa kabisayaan, at Kapampangan, at mayroon din kaugnayan sa iba pang mga wikang Austronesyo, gaya ng wikang Indonesia, Hawaiian at Malagasy.

Singapore-Ang pulo ay dating tinatawag na Temasek at bininyagan ni Prinsipe Parameswara sa pangalangSingapura, nangangahulugang “lungsod (pura) ng leon (singa)” noong ika-16 na siglo.Noong 1819, napunta sa kontrol ni Thomas Stamford Raffles ang lungsod para hadlangan ang dominasyong pangkalakalan (commercial) ng mga Olandes sa rehiyon. Noong 1826, ang mga kolonya ng istretso ay binubuo ng Singapore, Malaka at Penang.Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig naman, mula 15 Pebrero 1942, napasailalim ang pulo saImperyong Hapon,Pagkatapos ng digmaan, napiling primer ministro si Lee Kuan Yew. Ang kanyang partido naPeople's Action Party ay nagmungkahi para sa integrasyon nito sa pederasyon ng Malaysia, at napabilang ito sa Malaysia hanggang Setyembre ng taong 1963. Taong 1964, pinahayag ang kagustuhan nitong humiwalay dahil sa mga pagkakaiba at noong 9 Agosto 1965 pinroklama ang kasarinlan ng Republika ng Singapur.

 Thailand-Ang Kaharian ng Thailand ay isang bansa sa Timog-silangang Asya, napapaligiran ng Laos atCambodia sa silangan, the Golpo ng Thailand at Malaysia sa timog, at Dagat Andaman at Myanmarsa kanluran. Nakilala ang Thailand bilang Siam, na naging opisyal na pangalan hanggang 11 Mayo 1949. Nangangahulugang "kalayaan" ang salitang Thai ( sa wikang wikang Thai. Pangalan din ito ng mga grupong etnikong Thai - na nagdudulot sa ilang nakatira dito, partikular ang mga kalakihang minoryang Instik, na patuloy na tawagin ang bansa bilang Siam.

 Vietnam-Ang Vietnam ay ang pinakasilangang bansa as Tangway ng Indotsina sa Timog-silangang Asya. Ito ay naghahanggan sa Tsina sa hilaga, sa Laos sa hilagang kanluran, sa Cambodia sa timog kanluran, at sa Dagat Timog Tsina sa silangan. Sa populasyon nitong nasa 86 milyon, ang Vietnam ay naging ika-13 pinakamataong bansa sa buong daigdig.Ang mga mamamayan ng Vietnam ay nagkamit muli ng kalayaan at tumiwalag sa Tsina noong AD 938 pagkatapos ng pagkapanalo nila sa Labanan sa Bạch Đằng River. Sunod-sunod na dinatiya ang umusbong kasabay ng pagpapalawak nito sa pampolitika at heograpiyang aspeto hanggang nasakop ito ng mga Pranses noong ika-19 daantaon. May mga pag-aaklas laban sa mga Pranses na nagbunga ng pagpapaalis o pagpapalayas sa mga ito(Pranses) sa bansa. Bunga nito ay ang pagkahati ng bansa sa dalawa. Ang labanan na ito ay nagtagal hanggang Vietnam War. Nagtapos ito sa pagkapanalo ng Hilagang Vietnamese noong 1975. Nakabukod mula sa ibang bansa ang Vietnam habang ito bumabangon mula sa matinding pagkasira o pagkasawak dahil giyera. Ang ekonomiya at politika ng Vietnam ay isinaayos upang makiisa muli sa mundo. Noong taong 2000, ang Vietnam ay nagtatag ng diplomatikong relasyon sa halos lahat ng bansa sa buong mundo. Ang paglago ng ekonomiya ng Vietnam ay isa sa pinakamataas sa buong dekada. Itong pagkilos na ito ay nagbunga ng pagsali ng Vietnam sa World Trade Organization noong 2007.


Timog asya 

Afghanistan -Ang Republikang Islamiko ng Apganistanay isang bansa sa Gitnang Asya. Ito ay pinalilibutan ng Iran sa kanluran, Pakistansa timog at silangan, Turkmenistan, Uzbekistan at Tajikistan sa hilaga, at Tsina sa pinakasilangang bahagi ng bansa. Ito ay isa sa pinakamahirap na bansa sa mundo. Ang kahulugan ng salitang Apganistan ay Lupain ng mga Apgano.Ang Afghanistan ay tinitirhan ng mga pangkaraniwang nagpapastol na nomadic at magsasaka. Ang mga likas na yaman dito ay mga pananim tulad ng Trigo-ang pangunahing ani ng bansa, maliban sa Barley, Bigas at Mais;mga hayop-isda na nanggaling sa mga ilog at lawang Band-I-Amir, at iba pa;Tanso, ginto, sulphur at petrolyo-mga mineral. Ang Afghan karpet ang pangunaging produktong iniluluwas ng bansa.

Bangladesh-Ang Bangladesh ay isang bansa sa Timog Asya na binubuo ng silangang bahagi ng lumang bahagi ng lumang rehiyon ng Bengal. Nangangahulugang literal ang Bangladesh  bilang "Ang Bansa ng Bengal". Matatagpuan ito sa hilaga ng Look ng Bengal at napapaligiran ng India at Myanmar, at kalapit na kapitbahay ng Tsina, Nepal atBhutan.

Bhutan-Ang Kaharian ng Bhutan ay isang bansang walang pampang na nasa mga bundok ngHimalaya, sa pagitan ng India at Tsina sa Timog Asia. Druk Yul ang lokal na pangalan ng bansa. Tinatawag din na Druk Tsendhen (lupain ng dragong kulog), dahil sinasabing katunog ng ungal ng mga dragon ang mga kulog doon. Sa kasaysayan, kilala ang Bhutan sa maraming pangalan, katulad ng Lho Mon . Tinatayang ginagamit ang salitang Bhutan bilang pangalang noong huling bahagi ngika-9 na siglo BC.Isa ang Bhutan bilang sa pinakabukod at pinakahuli sa mga sumusulong na mga bansa sa mundo. Labis na nililimitahan ng pamahalaan ang turismo at impluwensiyang banyaga upang mapanatili ang tradisyunal na kultura. Binubuo ang tanawin ng mga subtropikal na mga kapatagan hanggan sa mga kataasan ng Himalaya, na hihigit sa pitong libong metro. Mahayana Budismo ang relihiyon ng estado at kinabibilangan ng kalahati ng populasyon ng bansang ito. Thimphu ang kapital at pinakamalaking bayan.

India-Tinataya na noong 2500 B.K nagsimula ang unang kabihasnan ng India sa Lambak ng Ilog Indus. Ito ay ang mga lungsod ng Mohenjo-Daro sa Punjab at Harappa, sa lugar na ngayon ay Pakistan. Pinaniniwalaang naging maunlad ang pamumuhay ng mga taong nanirahan sa dalawang nabanggit na lungsod kung ibabatay sa mga nahukay na labi noong 1920.May kaalaman na sa arkitektura ang mga tao sa Harappa at Mohenjo-Daro. Mapapatunayan ito sa nakitang kaayusan sa mga kalsada. Iba-iba rin ang mga sukat ng mga natagpuang bahay na kadalasa'y may dalawang palapag at binubuo ng kusina, salas, kwarto, at paliguan. May mga nahukay rin ditong upuang gawa sa kahoy na napapalamutian ng mga abaloryo.Ang mga Harappa ay tinatayang isa sa mga naunang taong natutuong gumawa ng telang yari sa bulak. Nagtanim sila ng palay at iba pang bungangkahoy at natutong mag-alaga ng mga hayop kagaya ng aso, pusa, tupa, kambing, at elepante. Natagpuan din sa lungsod ng Harappa ang mga selyong ginamit bilang tanda ng iba't ibang itinitinda kaya't hinihinalang magagaling na mangangalakal ang mga mamamayan dito.Ang lahat ng mga nabanggit ay mga pagpapatunay na naging maunlad ang Kabihasnang Indus subalit ang pagwawakas at ang paglaho ng dalawang lungsod ay nananatiling hiwaga para sa mga mananaliksik. May mga palagay na ang pagbaha ng Ilog Ganges at ang paiba-ibang klima sa Lambak ng Indus ay ilan sa mga dahilan kung bakit nawala ang Kabihasnan Indus. Ayon sa mga archeoloheyo, ang paglusob ng mga Aryan sa dalawang lungsod ay isa ring positibong dahilan ng pagkawala ng Kabihasnang Indus. Matatagpuan ang mga labi ng taong hindi nakalibing sa mga guho ng dalawang kabihasnan.May mga Imperyong umusbong dito ito ay ang mga

Iran-Ang Iran ay isang Gitnang Silangang bansa na matatagpuan sa Timog-kanlurang Asya na pinapaligiran ngAserbayan, Armenya, at Turkmenistan sa Hilaga, Pakistan, at Afghanistan sa silangan, Turkiya at Irak sa kanluran. Bagaman kilala na ito ng mga katutubo bilang Iran simula noong panahon ng dinastiyang Akemenida, tinutukoy ng Kanluraning Daigdig ang bansang ito bilang Persiya hanggang noong 1935. Noong 1959, ipinahayag ni Mohammad Reza Shah Pahlavi na maaaring gamitin ang parehong kataga. Noong 1979, isang rebolusyon na pinamunuan ni Ruhollah Khomeini sa kalaunan, ang nagtatag ng isang ateokratikong Republikang Islamiko at pinalitan ang pangalan ng bansa sa Ang Republikang Islamiko ng Iran.

Maldives-Ang Republika ng Maldives stretches out sa Indian Ocean, timog mula sa Indya at Sri Lanka kasama 300 km2. Ang Pangalan ng Maldives Nakukuha mula sa Dhivehi "Maale Dhivehi Raajje" literal ibig sabihin ang mga ISLAND KINGDOM. Ang Archipelago ay may 1192 koral na isla nakakalat sa 26 atolls. Ito isla bansa ay kakaiba sa mundo sa pamamagitan ng kanyang heograpiya at pagtitiyak. Ito humahawak ng mga talaan World sa pamamagitan ng pagiging ang pinakamababang Nation sa Earth sa isang average na antas ng lupa ng lamang 1.5 metro sa itaas dagat antas na may isang maximum na taas ng 2.3 metros. Male, nito Capital ay isa sa mga pinakamaliit sa mundo na may 1.6 square kilometers sa sukat may populasyon ng app.110 000 mga naninirahan.Ang Maldives ay tiyak ang isa sa pinakabagong Paradise sa Earth. Ngunit ang kanilang destiny anyong dark.Covered sa pamamagitan ng 99% ng tubig dagat, ang ilang mga siyentipiko mahuhulaan sila ay maaaring lababo at mawala bago ang susunod na siglo dahil sa global warming.Lumilipad sa itaas ang Kaharian ay isang napakaganda karanasan. Flight mula sa Male International Airport sa pulo hotel ay higit sa lahat na pinatatakbo ng seaplanes.Mula sa itaas ng maliit na maliit isla lilitaw tulad Diamante at sa pamamagitan ng malinaw na taya ng panahon ang ilang mga maaaring kahit na makita marine buhay. Sa isang walang hanggan abot-tanaw at napakalaking varieties ng asul shades, ang kahulugan ng Paradise sa Earth agad tumalon sa mga mata.

Nepal-Ang dating tinatawag bilang Kaharian ng Nepal, na matatagpuan sa Kahimalayaan, ay nag-iisang kahariang Hindu sa buong daigdig. Matatagpuan ito sa timog Asya, sa pagitan ng Tsinaat India. Pagkatapos ng 240 taon, isang republika na ang Nepal, at nakilala bilangDemokratikong Republikang Pederal ng Nepal.

Pakistan-Ang Republikang Islamiko ng Pakistan,  ay isang bansa sa Timog Asya na sinasakop ang bahagi ng Gitnang Silangan at Gitnang Asya. Napapaligiran ito ng India,Afghanistan, Iran (dating Persia), Tsina at ng Dagat Arabo Ang Pakistan ay humiwalay sa India sa kadahilanan na maraming Hindu sa India.

Sri lanka-Ang Demokratikong Sosyalistang Republika ng Sri Lanka , ay isang tropikal napulong bansa sa labas ng timog-silangang pampang ng subkontinenteng Indiyan.Kilala ang pulo noong lumang panahon bilang Sinhale, Lanka, Lankadeepa ( Serendib (mula sa Sanskrit Sinhala-dweepa), atSelan. Sa panahon ng kolonisasyon, nakilala ang pulo bilang Ceylon (mula sa Selon sa salitang Portuges na Ceilão), isang pangalan na malimit na gamitin. Ang hugis at kalapitan nito sa Indiya ang nagdulot sa pagtukoy ng iba sa pulo bilang Luha ng India.